Nasa mahigit ₱21.6 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang bahagi ng Olutanga Island sa Zamboanga Sibugay kamakailan.

Sa report ng PCG, namataan ng mga tauhan ng Coast Guard District-Southwestern Mindanao ang kahina-hinalang fishing vessel na  MPD TRD Express sa bahagi ng isla nitong Marso 18.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nang sitahin, tumambad sa PCG ang 350 kahon ng ilegal na sigarilyo at kaagad na kinumpiska.

Bukod dito, sinamsam na rin ang nasabing sasakyang-pandagat.

Hindi binanggit sa ulat ng PCG kung inaresto ang mga tripulante ng fishing boat.

Nai-turnover na ng PCG sa Bureau of Customs ang mga nasamsam na sigarilyo.

Inihahanda na rin ang kaso laban sa mga sangkot sa pagpupuslit ng sigarilyo.