Laugh trip ang kapwa celebrities at netizens sa video ni Megastar Sharon Cuneta habang naglalagay ng Japanese food na handa sa isang container, sa birthday celebration ng pinsang si actor-politician Gian Sotto, kapatid ng aktres at TV host na si Ciara Sotto, at anak naman nina dating senate president Tito Sotto III at veteran actress-TV host Helen Gamboa.

Sa kuhang video ni Ciara na naka-upload sa kaniyang Instagram, makikitang naglalagay si Shawie ng ilang mga pagkain sa hawak na lalagyanan, at "shuma-Sharon."

Tsika at Intriga

Gabbi Garcia, naging mas health conscious dahil sa PCOS

View this post on Instagram

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)

Ang pangalan niya ay ginagamit kapag mag-uuwi o magbabalot ng handa mula sa isang gathering, mula naman sa kaniyang pinasikat na awiting "Bituing Walang Ningning."

"Siya na nagsha-Sharon guys," ani Ciara.

"Ako na 'to, si Sharon, huwag kayong mahiya basta nagpaalam ako, matinong nagpaalam," hirit ni Shawie.

"Happy Birthday to the best Kuya in the universe!!!? And the best Vice Mayor ever!???? Thank you for all that you do and all that you are. ? I love you so very much… more than I could ever show.???

P.S. Si Sharon, Shuma-Sharon ???," ani Ciara sa kaniyang caption.

Sa panayam noon ni Ogie Diaz kay Sharon, nasabi niyang hindi raw siya na-ooffend kapag ginagamit ang pangalan niya sa pagbabalot ng pagkain sa mga handaan.

MAKI-BALITA: Sharon, na-ooffend nga ba kapag binabanggit ang pangalan sa handaan?