Ano nga ba ang nababagay na call sign o tawagan nina “What’s Wrong With Secretary Kim” lead stars Paulo Avelino at Kim Chiu kung sakaling magkatuluyan sila sa totoong buhay?

Sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Lunes, Marso 18, sumalang sina Kim at Paulo sa mini question-and-answer game.

Pero bago ang game, nagbato-bato-pik muna ang dalawa para kung sino ang manalo, siya ang magtatanong sa natalo. Sa unang round, natalo ni Paulo si Kim.

Kaya ang tanong ng aktor: “What is cute about me?"

Relasyon at Hiwalayan

Ion Perez, nag-ala Deadpool; pinasaya si Vice Ganda

"Everything. Cute naman siya, kasi hindi siya nagsasalita. Ako na lang magsasalita," sagot naman ni Kim.

Sa kasunod na round, waging muli si Paulo. Usisa niya kay Kim: "Hypothetical lang, kung magiging tayo ano ang gusto mong magiging tawagan natin?"

Natagalan daw bago makapa ni Kim ang mga salitang sasabihin. Pero ang sagot niya: “'Mine.' Hypothetical lang, kayo naman kung makatawa kayo."

Sa ikatlong round lang nakabawi si Kim kay Paulo. Noon lang siya nanalo at nakapagtanong sa kaniyang co-star.

At ang tanong niya: "Nagkatampuhan tayo, paano mo 'ko susuyuin?"

"Siguro, papakainin na lang kita 'pag break. Papadalhan na lang kita ng favorite mong pagkain," tugon ni Paulo.

Segunda naman ni Kim: "Ano ba favorite ko?"

"Tinapay. Pansit. Na naka-korteng 'SORRY' per strand," sagot ni Paulo.

Sa huli, humirit pa si Kim ng isa pang tanong sa aktor: “What is my sweetest trait?”"Madami kasi, iniisip ko 'yong sweetest. I think your sweetest trait is, you have genuine care for others. So parang sa set, kahit sino sa set, parang her care for others is very genuine," lahad ni Paulo.

Isinagawa ang naturang panayam para pag-usapan ang kanilang show na “What’s Wrong With Secretary Kim” na pinagtulungang i-produce ng Viu, ABS-CBN Studios, at Dreamscape Entertainment. 

Matatandaang sa ginanap na grand mediacon ng naturang teleserye ay ibinuking sina Kim at Paulo ng co-star nilang si Pepe Herrera tungkol sa kung anong klaseng ugnayan mayroon ang dalawa sa taping.

MAKI-BALITA: Pepe Herrera, ibinuking sina Kim, Paulo sa taping: ‘Para silang mag-asawa’