Muling nagbahagi ng kaniyang tribute sa pamamagitan ng maiksing tula ang aktres na si Andi Eigenmann para sa namayapang inang si Jaclyn Jose, sa kaniyang Instagram post.

"She built me up

like a mountain at sunrise

and painted my sky with gentle hands.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

and when she told me

I could be anything, I believed her

because I saw how much I could grow

with even a little of her light," aniya.

Kalakip ng IG post ang throwback photo nilang mag-ina noong maliit pa siya.

Sa comment section ay nagpaabot naman ulit ng pakikiramay ang mga netizen.

"Beautiful memories with you and your mom."

"If you really have a good heart, it shines even when it's gone."

"Beautiful souls, indeed! We miss you, nanay! 🤍"

"Mas lalong gagabayan kayo ng family @andieigengirl at hindi kayo pababayaan. Andyn lang sya sa tabi nyo 24 7 believe me doll. Wala na rin akong mga magulang at nawalan ng anak, pinanganak ko Ang anak ko na patay na. Kaya ngayon may angel 👼 ako nakaantabay sa akin lage. I’m a single mom , pero sa awa ng ating panginoon ay ok naman ang buhay ko sa awa ng panginoon. Payo ko lang lakasan mo lang lage Ang loob mo. Do your daily activities at Huwag kalimutan Ang panginoon. Magiging ok Ang lahat. Anjan lang si mam Jane lage sa tabi nyo. Kausapin mo sya araw araw gabi gabi at gagaang Ang pakiramdam mo. Sending my prayers always doll. I know you’re strong… Kaya mo yan!❤️🥰❤️"

Ngunit isang netizen naman ang nagsabing bagama't maganda raw ang mensahe ng anak sa kaniyang ina, huli na raw ang lahat dahil hindi na nito mababasa ang kaniyang makabagbag-damdaming mensahe dahil nga pumanaw na ito.

"Oh I love this. Unfortunately its too late now for your Nanay to see this. Sana noong buhay siya nagpost ka ng ganito lagi para kahit magkalayo kayo, she feel loved and she knows na lagi mo siya naiisip. She won’t able to see this anymore, just your followers," saad ng nabanggit na netizen.

Isa pang commenter ang tila sumegunda sa kaniya, "I remember the saying 'aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo."

Ngunit mismong kapwa netizens na ang bumarda at nagtanggol para kay Andi.

"oh shut up. Andi is grieving let her grieve and be sad or sentimental. For sure hindi ka din ganyan sa vocal sa mga taong mahal mo habang buhay sila."

"Did this comment make your day better or make you a better person?"

"we don't know what went inside there relationship...Andie did not need to post things like this when her Nanay was alive because I'm sure she have told her in person or over the phone...this is Andie's grief journey...maybe posting this makes her feel better, she can't call her Nanay anymore, she can't see her Nanay anymore"

"baka there was no need for her to post cause they might have been communicating privately just saying"

"Heartless spotted! It's better to be silent rather than blurting out some within the moment feelings which may be hurtful or make things worse. Your comments or reactions are uncalled for.. you just strikes a nerve. Get ready, bashers will follow."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Andi tungkol dito. Hindi rin niya sinagot ang netizen sa comment section.