Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang isang guro na nasa viral TikTok video habang sinisermunan ang mga estudyante nito. 

Ito ay nang maglabas ng show cause order ang DepEd laban sa nasabing guro nitong Lunes ng umaga, ayon kay DepEd Assistant Secretary, deputy spokesperson Francis Bringas.

Hindi naman pinangalanan ni Bringas ang guro. Gayunman, ipinaliwanag nito na isa itong public school teacher sa Metro Manila.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

Matatandaang sa naturang viral Tiktok video, ipinost ng guro ang kanyang sarili gamit ang username na “Serendipitylover,” at ipinakita ang ginagawang panenermon.  

Ang naturang Tiktok video ay kumalat rin sa Facebook at X (dating Twitter).

“Nakakalimutan n’yo ‘yung ano n’yo ha, ‘yung boundaries n’yo. Nakakalimutan n’yo ‘yung boundaries nyo. Una sa lahat hindi n’yo kami binabayaran dito para magtau-tauhan at gawing robot at gawin n’yong katatawanan sa harapan. Pangalawa, hindi ako nag-board exam para lang hindi irespeto ng mga katulad n’yong wala pa namang nararating sa buhay,” anang guro.