Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Lunes ng hapon, Marso 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:11 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 40 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Policarpo, Eastern Samar, na may lalim na 22 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.