Kung naghatid ng good vibes ang farewell letter ng isang 7-anyos na pupil sa student teacher sa kanilang klase, isang sweet letter naman ng isang anak para sa kaniyang mga magulang ang nagdulot din ng good vibes sa mga netizen makaraang sabihan niya ang kaniyang pagod na mommy at daddy na "rest in peace."

Sa Facebook post ng mommy na si Bettina Santos, 33-anyos mula sa Caloocan City, dahil likas na sweet at thoughtful ang anak na si Eileithyia Hope ay gumawa ito ng isang hand-written letter para sa kanila ng daddy nitong si Ervin.

Gayon na lamang ang tawa nila nang mabasa ang "rest in peace" na inilagay nito, na nangangahulugang magpahinga naman sila ng kaniyang daddy. Sinabi raw kasi niyang pagod na siya sa paglilinis ng kanilang palikuran.

"Ang hirap palang magsabi ng 'pagod kana' sa anak mo. Naglinis lang naman ako Aya ng CR, gusto ko lang magpahinga, PERO BAKIT GANYAN ANAK (laugh emoji). pang forever na yang gusto mong pahinga naman e."

Katatawanan

Wish na bumalik si ‘Kuya Rico’ sinupalpal: ‘Sumunod ka na lang!’

Mababasa sa ginawang letter ng anak: "Rest my mom. [Rest] my Dad. And I Love You."

"Thank you For All The Things You Gave Me."

"I Love And Rest In Peast (Peace) My Tired Momy Dad."

Photo courtesy: Bettina Santos

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Mommy Bettina, sinabi niyang naituwid at naipaliwanag naman nila ng mister ang ibig sabihin ng "rest in peace."

"Sinabi ko lang na gusto kong mag-rest kasi nag-clean ako ng CR tapos hayan 'yong letter niya for me," aniya.

"We told her na pag-rest in peace it means ma-die or dead na 'yong person, ang ibig sabihin niya lang pala is she wants us to rest lang to higa daw so long, hehe," dagdag pa.

"Kasi we did dami things like work, cleaning room, laundry. Hahaha napakadaldal kasi nito sunod-sunod ang pagsasalita," paliwanag pa ng ina.

Photo courtesy: Bettina Santos

Kaya naman, tama ngang nagmumula ang lahat ng pagtutuwid sa mga anak sa bahay pa lang kaya mahalaga talaga ang tinatawag na "parental guidance."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!