Isinailalim sa state of calamity ang limang bayan sa Mindoro dahil na rin sa nararanasang tagtuyot na dulot ng El Niño phenomenon.

Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga naturang lugar ang Mansalay at Bulalacao sa Oriental, at Looc, Magsaysay, at San Jose sa Occidental Mindoro.

Nasa 1,000 magsasaka sa Mansalay at 4,000 naman sa Bulalacao ang apektado nito.

Kaugnay nito, namahagi na ang DA ng tig-₱5,000 ayuda sa mga magsasaka sa Oriental Mindoro

Matatandaang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration  na aabot sa 30 lalawigan--25 sa Luzon at lima sa Visayas ang maaapektuhan ng tagtuyot ngayong Marso.