Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko dahil sa inaasahang matinding init ng panahon Virac, Catanduanes at Cotabato, Maguindanao.

Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng pumalo sa 42°C ang heat index sa dalawang lugar ngayong Linggo ng hapon.

Pinagbatayan ng ahensya ang naitalang init factor na 47 degrees celsius sa Virac at 42 degrees celsius naman sa Cotabato nitong Linggo, Marso 16.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nararamdaman ng katawan ng tao ang heat index na dulot ng pinagsamang temperatura ng hangin at alinsangan.

Ang matinding init ng panahon ay inaasahang mararamdaman sa Cotabato hanggang sa mga susunod na araw, ayon pa sa PAGASA.