Apat na sundalo ang nasawi matapos tambangan ng teroristang Dawlah Islamiyah (DI) sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng umaga.

Sa report ng militar, hindi muna isinapubliko ang pagkakilanlan ng apat na sundalo na pawang miyembro ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army at 3rd Army Cavalry ng 601st Infantry Brigade.

Pabalik na sana ang mga sundalo sa kanilang kampo mula sa pang-araw-araw na gawain nang pagbabarilin ng mga terorista sa Brgy. Tuayan dakong 10:00 ng umaga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga tinambangang sundalo ay inatasang bumili ng pagkain para sa "iftar" o ilalatag na pagkain ng mga Muslim pagkatapos ng kanilang fasting sa panahon ng Ramadan.

"The soldiers were doing community service when attacked," reaksyon naman ni 6th Infantry Division commander, Maj. Gen. Alex Rillera.

 

PNA