Umalma ang toy collector at dating miyembro ng all-male group na Streetboys na si Yexel Sebastian sa ulat ng GMA News na inireklamo siya sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng umano'y "junket investment scam" na aabot daw sa β±50B.
Sa ulat ng "24 Oras," umabot daw sa 30 ang dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) para maghain ng syndicated estafa laban kay Yexel kaugnay ng junket investment scam.
Sa kaniyang Facebook post, iginiit ni Yexel na biktima rin siya at hindi raw kinuha ng GMA ang kaniyang panig.
"GMA 24 Oras
Sabi nyo po sinubukan nyo kunin ang panig ni Yexel
Wala po ako natatanggap na kahit anong tawag mula sa inyo o mensahe
Ako po ang meron mensahe nun Oct 2 2023
sa isang Programa po ninyo na humihingi ako ng tulong.
Paki ask po sa team nyo jan
(GMA NEW and Public Affairs)
meron po ako screenshot nyan and msgs na hindi nyo na sini seen after ko maikwento ang problema
Tapos yun caption na ngayon 50 Billion ?
Mukha po ba kami makakakuha ng
50 Billion ni Mikee?
30 katao nagreklamo sa DOJ
50 Billion
anong news na ito π₯π₯π₯π΅π
haaay
GMA open ako sa interview msg nyo ko.
Uulitin ko po wala kami niloko kahit isang tao,
kami po ay nalagay lang sa alanganin
hindi po namin kagustuhan ang nangyari sa amin lahat π
Paki check din po msg ko sa KMJS page
hindi napo napapansin," aniya.
Dagdag pa niya, "Sa lahat po ng Investors nasa inyo padin ang simpatya ko.Wala lang po ako ngayon kakayahan para makatulong sa inyo dahil kahit po kami ay gumagawa ng paraan hanggan sa kasalukuyan sa ibang bansa.
Kaso sadyang naipit lang po tayo π God bless π."
Matatandaang noong Oktubre 2023 pumutok ang isyu tungkol sa umano'y mga reklamo ng investors na karaniwang OFW sa mag-asawang Yexel at Mikee Agustin.
MAKI-BALITA:Β Yexel Sebastian wala pang statement sa mga akusasyon laban sa kanila ng misis
Lalong nagalit ang mga nagrereklamo matapos daw mapayagang makaalis ng bansa ang mag-asawa, kabilang na si Sen. Raffy Tulfo.
MAKI-BALITA:Β Yexel Sebastian, Mikee Agustin nakalabas ng bansa; netizens, nagwala
Depensa naman ni Yexel. walang nakahaing kaso laban sa kanila kaya nakaalis sila ng bansa at hindi raw sila nagtatago dahil wala umano silang kasalanan.
MAKI-BALITA: Yexel Sebastian dinepensahan paglabas ng bansa: βWala kami ni isang kaso!β
Nilinaw naman ng Bureau of Immigration (BI) na wala umanong departure order at derogatory record ang dalawa kaya malaya silang nakaalis ng bansa.
Maaari naman daw maglabas ng look-out bulletin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawa kung sakaling may complaint o maghahaing reklamo sa prosecutor's office kontra sa kanila.