Tila bumabalik na raw sa dating korte ang katawan ng Kapamilya star na si Angel Locsin base sa larawang itinampok nina Jobert Sucaldito at Chaps Manansala sa kanilang showbiz-oriented vlog na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o OOTD kamakailan.

Sa isang bahagi ng naturang vlog, pinag-usapan nina showbiz insider Jobert Sucaldito at Chaps Manansala ang naging pagbabago sa katawan ni Angel.

“Finally nakita sa social media ‘yong bagong hitsura ni Angel Locsin. Kasama niya si Mimiyuuuh, isang sikat na influencer, ang nagbigay ng magandang pakiramdam sa lahat ng nakakamiss kay Miss Angel Locsin,” saad ni Chaps.

“Pumayat siya. Ang laki ng ipinayat ni Angel compared to how she looked before. Saka patuloy ‘yan, didiretso ‘yan. ‘Pag medyo in shape na siya, makakabalik na ulit siya sa show business,” segunda naman ni Jobert.

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Dagdag pa niya: “Syempre, ayaw naman niya sigurong lumabas na hindi talaga siya physical ready because nasanay ang tao sa kaniya that she was sexy.”

Pero batay sa pananaliksik ng Balita, ang larawang itinampok at pinag-usapan nina Jobert at Chaps sa kanilang vlog ay matagal nang kuha. Galing ito sa isang maikling video kung saan unang nagkita sina Angel at Mimiyuuuh.

In fact, na-publish pa ang larawang ito sa isang website na may pangalang “Team Angel PH” noong Marso 13, 2020 kalakip ang isang blog na nagsasalaysay ng kanilang pagtatagpo sa  Aivee Clinic.

Photo Courtesy: Screenshot from Team Angel PH

Photo Courtesy: Screenshot from Team Angel PH

Tila hanggang ngayon ay ineenjoy pa rin ni Angel ang kaniyang social media hiatus dahil wala pa talaga siyang ipino-post na update o recent photo niya. Matatandaang nagsimula ito noong matapos ang Halalan 2022.

MAKI-BALITA: Angel Locsin ineenjoy absence sa social media