Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) at ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang publiko sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish sa anim na lugar sa bansa, matapos matuklasan na kontaminado ng red tide ang mga ito.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

Kabilang sa tinukoy ng DOH at DA-BFAR ang mga lugar na may toxic red tide na kinabibilangan ng coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; San Pedro Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at sa coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Bukod naman sa lahat ng uri ng shellfish, gaya ng tahong, talaba, tulya, at iba pa, hindi rin ligtas na kainin ang alamang na makukuha sa mga naturang lugar.

"All types of shellfish (mussels, oysters, clams, etc.) and alamang (Acetes sp.) gathered from the following areas are NOT SAFE to eat due to paralytic shellfish poison or toxic red tide: coastal waters of Milagros in Masbate; coastal waters of Dauis and Tagbilaran City of Bohol; Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur; San Pedro Bay in Samar; Matarinao Bay in Eastern Samar; and the Coastal Waters of San Benito in Surigao del Norte," ayon sa Shellfish Bulletin No. 05, may petsang Marso 15, 2024, na ibinahagi ng DOH.

Ligtas naman sa human consumption ang mga isda, pusit, at alimango, basta't sariwa at nahugasan itong mabuti.

Kailangan ding linisin ang hasang at bituka ng mga ito, bago lutuing mabuti.

"Fish, squids, shrimps (except their heads) and crabs are safe to eat so long as they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking," sabi ng D

Nagpaalala rin ang DOH at DA-BFAR na ang mga palatandaan at sintomas ng paralytic shellfish poisoning ay may mabilis na simula at mararamdaman sa loob ng 12 oras pagkatapos kumain ng hindi ligtas na shellfish.

Kabilang umano sa mga naturang sintomas ay pamamanhid ng paligid ng bibig o mukha; pagkahilo; pricking sensation o pagka-paralisa ng mga kamay at paa; panghihina ng katawan; mabilis na tibok bg pulso; hirap sa pagsasalita, paglunok at pagsasalita; at pananakit ng ulo.

Maaari rin umanong makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at diarrhea.

Payo naman ng DOH, sakaling makaramdam ng mga naturang sintomas at kaagad nang dalhin sa emergency room ang pasyente.