Nasungkit ng Pilipinas ang Guinness World Records (GWR) title na “Largest Human Lung Formation” na may 5,596 kalahok.
Sa pangunguna ng Department of Health (DOH), isinagawa ng 5,596 kalahok ang pagbuo ng korteng “baga” nitong Sabado, Marso 16, sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ayon sa DOH, bahagi ang pagbasag ng naturang world record ng layunin nitong alisin ang stigma sa tuberculosis at ilunsad ang “global awareness” tungkol sa sakit.
“This monumental effort aims to tackle the stigma surrounding TB and drive action for a TB-free Philippines,” anang DOH sa isang Facebook post.
“Let's continue the fight against TB and break barriers together ,” dagdag nito.
Naungusan ng Pilipinas ang dating record holder na India na may 5,003 kalahok noong 2017.
Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay nasungkit naman ng Pinoy hog farmers ang GWR title na “Most Varieties of Pork Dishes on Display.”