Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nakatanggap siya ng “good” net satisfaction rating.

Matatandaang sa December 2023 survey ng SWS na inilabas nitong Huwebes, Marso 14, 65% ng mga Pinoy ang ‘satisfied’ sa performance ni Marcos, habang 18% ang ‘hindi satisfied’ at 17% ang ‘undecided.’

“The resulting net satisfaction rating is +47 (% satisfied minus % dissatisfied), classified by SWS as good (+30 to +49),” anang SWS.

Sa isa namang panayam nitong Biyernes, Marso 15, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marcos na magandang balita ang positibong pagtingin ng mga Pinoy sa kaniyang pamumuno.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"For people to feel the actual effects of what we are doing, I’m just happy that we are beginning to get to that point where people are seeing the wisdom of some of the measures that we’ve undertaken, the policy changes that we’ve made, the legislations that we have requested from the Congress," ani Marcos.

Gayunpaman, nilinaw ng pangulo na hindi siya gumagawa ng mga polisiya base sa resulta ng mga survey.

"It’s always good news. But, you know, we do not conduct policy according to surveys,” saad ni Marcos.

“We will keep going and work even harder than we have been before," dagdag pa niya.