Binalaan ng Department of Health (DOH)-Cordillera Administrative Region (CAR) ang publiko kaugnay ng nakakahawang sakit na Pertussis o "ubong may halak" na madalas tamaan ang mga bata.

Ito ay matapos isapubliko ng DOH-CAR na tumataas ang kaso ng sakit ngayong taon.

Paliwanag ng ahensya, nasa 18 kaso nito ang naitala ng CAR Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) mula Enero 1 hanggang Marso 14.

Binanggit ng ahensya na nakababahala ang paglobo ng bilang ng sakit ngayong taon dahil walang naitalang kaso nito noong 2023.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa DOH, karamihan sa tinatamaan ng sakit ay mula isa hanggang tatlong buwang gulang kung saan tatlong sa naging kaso nito ay naitala sa Baguio City at isa naman sa Benguet.

Kaugnay nito, nanawagan ang DOH sa mga magulang na ipabakuna ang kani-kanilang sanggol upang hindi mahawa ng sakit.