Nakabalik na sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. mula sa matagumpay na pagbisita nito sa Germany at Czech Republic kamakailan.

Sa kanyang arrival speech, idinitalye ni Marcos ang mga magiging pakinabang ng Pilipinas sa mga biyahe nito sa dalawang bansa.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

"Overall, I am confident that these visits to Germany and Czech Republic have strengthened our bonds with these two countries in Central Europe and created opportunities for cooperation and prosperity," pahayag ng Pangulo ilang minuto matapos dumating sa bansa, kasama ang kanyang delegasyon, nitong Sabado ng hapon.

Aniya, naging produktibo ang tatlong araw na state visit nito sa Czech Republic kung saan nakipagpulong siya sa matataas na opisyal ng pamahalaan at pumirma ng memoranda of understanding (MOU).

“So, I’m very happy to say that the little time spent here in Prague has been quite productive. And of course, it is really a real pleasure to be in this city. It’s such a beautiful city. I think you’ve seen it, it’s like walking around fairytale town,” bahagi ng pahayag ni Marcos bago umalis sa kabisera ng Czech Republic.

Paglilinaw ng Malacañang, naging mabunga ang pakikipagpulong ni Marcos kina Czech President Petr Pavel at First Lady Eva Pavlová, Prime Minister Petr Fiala, Czech Senate President Miloš Vystrcil at Czech Speaker of the Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.

Sinaksihan nina Marcos at Pavel ang paglagda ng Joint Communique na may layuning maglatag ng labor consultation mechanism sa pagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Czech Ministry of Labor and Social Affairs.