Maling listahan sa NFA rice stock sale anomaly, imbestigahan -- Ombudsman
Humirit si Ombudsman Samuel Martires kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na imbestigahan ang nasa likod ng maling listahan ng mga opisyal at kawani ng National Food Authority (NFA) na idinadawit sa umano'y maanomalyang bentahan ng bigas.
Ito ay tugon sa alegasyon ng mga kawani ng NFA na hindi tama ang listahan ng mga sinuspindi ng anti-graft court.
Kinumpirma rin ni Martires na ang NFA ang nagbigay ng listahan sa kalihim bago isinumite sa anti-graft agency.
Layunin aniya ng imbestigasyon na malaman kung may suma-sabotahe kay Laurel.
Kabilang aniya sa listahan ang mga patay na empleyado ng pamahalaan.
Matatandaang sinuspindi ni Martires ang 139 opisyal at empleyado ng NFA upang hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa usapin.