Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, Marso 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:52 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 298 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 93 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.