Nagbigay ng reaksiyon ang management ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) hinggil sa nag-viral na isang signage sa Taft Avenue station na may maling spelling.
Matatandaang dinumog ng netizens ang post ng Facebook user na si Annie Rose Laborte nitong Biyernes, Marso 15, kung saan makikita ang signage ng Taft Avenue sa LRT-1 na:
“E2 Exit
Taft Avenue
National Bureau of Investagation.”
Kapansin-pansin kasi sa naturang signage ang wrong spelling ng “Investigation” na “Investagation.”
Sa isa namang X post nito ring Biyernes, tinawag ng LRT-1 ang naturang signage na “a little letterally challenged.”
“That one signage might be a little ‘letterally challenged’ sometimes,” anang LRT-1.
“But rest assured our trains are running smoothly to bring you safely where you need to go,” dagdag nito.
Binanggit din ng pamunuan sa naturang post na gumagawa na sila ng paraan para baguhin ang naturang signage.
Kaugnay nito, matatandaang nakuhanan ng ABS-CBN News nito ring Biyernes ng hapon ang mga empleyado ng LRT-1 na tinatakpan na ang naturang wrong spelling na signage.
https://balita.net.ph/2024/03/15/wrong-spelling-na-signage-sa-taft-avenue-station-tinakpan-na/