Inamin ng Kapuso star at socialite na si Heart Evangelista ang tungkol sa hindi nila nabuong baby girl ng asawa niyang si Senador Chiz Escudero na isinailalim sa in-vitro-fertilization (IVF), isang proseso ng pagbubuntis na pinagsasama ang itlog ng babae at semilya ng lalaki sa laboratoryo sa halip na sa loob ng katawan.
Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Marso 15, emosyunal niyang ikinuwento kung gaano naging kahirap para sa kaniya ang nangyari.
“We were expecting a baby, actually. I wasn’t pregnant but was expecting my only girl that I had left…eggs. So, at that time, I thought it was… gonna make it, but she didn’t. That was a bit hard for me because— O, my God—ang hirap,” lahad ni Heart.
“So, yeah, I was really preparing for her. So, I really thought that I was going to have a baby at that time and I felt like with everything that we went through it was finally gonna happen,” aniya.
In fact, may pangalan na nga raw sana ang kanilang baby girl: “Sofia Heart.” Gayunpaman, hindi naman daw kinukwestiyon ni Heart ang nangyari.
“But it's okay. I mean, I'm not the type to question anything. It's just sad because... I thought I was gonna be able to share what I do with my last girl… It's a little hard, but I'm not questioning anything,” saad niya.
Ayon naman sa asawa niyang senador, hihintayin na lang daw nila ang mas magandang plano ng Diyos para sa kanilang dalawa.
“I’m predisposed to always accept God’s will. So, ‘yon ang sabi ko sa kaniya. If it’s not now, if it’s not this, may mas maganda pang nakaplano. Hintayin lang namin ‘yon,” sabi niya.
Matatandaang hindi ito ang unang beses nilang sumubok magkaanak. Sa isang panayam noong 2022, inamin ni Heart na sumailalim na siya sa IVF.
MAKI-BALITA: ‘It was very difficult and painful!’ Heart, umaming sumailalim sa IVF