Posibleng atake sa puso ang pagkamatay ng dating deputy ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag na si Ricardo Zulueta, kapwa akusado sa pagpatay kay veteran broadcaster Percival Mabasa, alyas Percy Lapid noong 2022, ayon sa pulisya.

Ipinaliwanag ni Dinalupihan Police chief, Lt. Col. Marcelino Teloza, nakatanggap sila ng impormasyon na isinugod si Zulueta sa Bataan Peninsula Medical Center nitong Biyernes ng gabi.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

“After receiving that information po, personally po pumunta kami doon po," pahayag ni Teloza sa panayam sa telebisyon.

Gayunman, binawian din ng buhay si Zulueta sanhi ng “cerebrovascular disease intracranial hemorrhage.”

Sina Zulueta at Bantag ay nahaharap sa kasong murder dahil umano sa pagkakasangkot pagpaslang kay Lapid sa Las Piñas noong Oktubre 3, 2022.

Bukod kay Lapid, akusado rin sina Zulueta, Bantag at 10 iba pang persons deprived of liberty (PDLs) sa pagpaslang kay Jun Villamor, ang umano'y "middleman" sa kaso ni Lapid.

Si Villamor ay pinaslang sa loob ng New Bilibid Prison ilang oras matapos lumantad at sumuko si self-confessed gunman Joel Escorial noong Oktubre 18, 2022.