Ang tataba talaga ng andar ng utak ng mga Pinoy pagdating sa katatawanan at kalokohan!
At hindi nakaligtas dito maging ang dating ABS-CBN President at aktres na si Charo Santos-Concio na ngayon ay nagbabalik sa pag-arte sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" bilang si "Tindeng."
Ibinahagi kasi ni Charo ang isang kuhang litrato niya habang nagsusulat sa isa sa mga eksena niya sa Batang Quiapo.
Caption niya, "Writing lola Tindengâs entry for MMK đ"
View this post on Instagram
Narito ang ilan sa mga nakatutuwa at aliw na reaksiyon at komento ng netizens:
"Ang dating taga basa ng sulat. Ngyn taga pagdala ng sulat. Nice one mam Charo.. we miss your mmk. Walang makakapalit o mamamahayag sa ginawa m sa mmk. Mmk is still the longest-running drama anthology in the Philippines."
"Feel ko magbabalik ang MMK kapag nagwakas na yung Batang Quiapo, pero sobrang tagal pa."
"Dear self. Charot! đ"
"Sana po kapag natapos na ang BQ, maibalik ang MMK."
"POV: Me writing to myself to stop healing my inner child muna kasi puro na ko gastos lately."
Matatandaang nagwakas na ang tinaguriang "longest-running drama anthology" na "Maalala Mo Kaya" kung saan binabasa ni Charo ang liham na ipinadala ng isang letter sender, at mula rito naman ay nagkakaroon ng pagsasabuhay o "re-enactment" sa buhay nila.
MAKI-BALITA: âMaalaala Mo Kaya,â magpapaalam na sa telebisyon matapos ang 31 taon