Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si Xian Gaza kaugnay sa pagpapapirma ng isang fan kay Kapuso star Dingdong Dantes sa junk food na kapangalan nito.

Sa Facebook post ni Xian nitong Biyernes, Marso 15, ni-reuplod niya ang mga ibinahaging larawan ng fan na nagngangalang Mark Gil Valentin.

“Ang mga celebrities, hindi ‘yan makakahindi kahit gustong-gusto nilang mag-’no.’ Alam niyo na, malaking issue ‘yan sa Pinas. Trabaho ‘yan ng mga bouncer. Ang problema kasi dito, may na-promote na brand for free. Big deal yun sa management ni Mr. Dantes,” saad ni Xian sa comment section ng kaniyang post.

“Pangit pa diyan eh tuwing vinivideohan sila sa labas without their consent. Parang yung nangyari sa Familia Pacquiao recently sa Japan. Wala na silang privacy. Eh pa'no gagawin kung sikat sila? Ayun na nga, tanggap na rin ng mga celebrities na ganun na talaga ang buhay-sikat,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

Dagdag pa niya: “Ayan ang disadvantage ng fame. Maco-compromise yung private life mo.”

Samantala, nagbigay naman ng reaksiyon si Dingdong sa mga ibinahaging larawan nila ni Mark.

“Hinihingi ko — ayaw ibigay ni Kuya 😂” sabi ng aktor.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 1.2k reactions at 14k shares ang orihinal na post ni Mark sa kaniyang Facebook account.