Inamin ni Senador Robin Padilla na nawalan na siya ng pag-asang maipapasa pa sa Senado ang panukalang batas para sa Mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC) Program.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, Marso 14, sinabi ni Padilla na dalawang taon na raw mula nang ihain ang panukala ngunit hanggang ngayon ay wala pa raw nangyayari.

"Nawalan na ako ng pag-asa. Dalawang taon na eh. Para sa akin, ano pang inaantay natin? Kasi isa ito sa mga plataporma ko noong tumakbo ako. Finile natin ito," ani Padilla.

"Magdadalawang taon na ako dito, wala pa rin. Para sa akin, ano ba talaga?" dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi rin ng senador na gagawa na lamang siya ng sarili niyang paraan para mag-recruit ng mas maraming mga reservist.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Padilla ang rollout ng Philippine Navy Reserve Force recruitment program sa mga empleyado ng Senado.

"Siguro sarili ko na lang, makumbinsi ko yung mga tao kasi para sa akin napakagandang halimbawa nito pag nalaman ito ng mga kababayan natin na dito sa Senado may reservist na. Siguro magkakaroon ng mga programa pa," saad ni Padilla.