Ispluk ni John “Sweet” Lapus mayroon daw siyang limang tao na ayaw nang matrabaho at kahit daw makasabay sa tricycle.

Sa kaniyang X account, ibinahagi ni Lapus ang post ng scriptwriter na si Noreen Capili.

Ayon kay Capili, kilala raw niya ang mga artistang mababait at may mabuting puso, at maging sino ‘yung mabait lang daw kapag may nakatutok na camera, o mabait lang daw sa mga taong mapapakinabangan nila.

Kaya sey ni Lapus, may limang artista raw siyang ayaw nang makatrabaho.

“Ako may lima lang na never na talaga ako makikipag work or kahit kasabay sa tricycle,” aniya.

https://twitter.com/KorekKaJohn/status/1768215096483008759

Kaso lang, wala namang binanggit na clue kung sino ang tinutukoy niyang mga artista. Hinihimok tuloy siya ng mga netizen na i-spill kung sino ang mga ‘to or kahit clue manlang.

"Ay mama! Bakit isa lang ang alam ko sa magic 5 mo?!!"

"Wow, direk sweet, may top 5? Magic 5?"

"Hindi ata artista ung isa. Yung kalbo? Charet"

"Paki describe na lang po isa-isa. Ahihi."

"Spill the tea!"

"initials nalang po kahit isa lang ?"

"Direk, kahit isa lang po. Pasplook hahaha char"

"marami kaming marites dito, so ispluk na yan"