Dinumog ng netizens ang isang larawan tungkol sa signage ng Taft Avenue station sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) dahil sa spelling nito.

Base sa post ng Facebook user na si Annie Rose Laborte, makikita ang signage ng Taft Avenue sa LRT-1 na:

"E2 Exit

Taft Avenue

Metro

69-anyos na lolang nawala sa sunog sa QC, kasamang natupok ng apoy

National Bureau of Investagation.”

Courtesy: Annie Rose Laborte/FB

Napansin naman ng netizens ang wrong spelling ng “Investigation” na “Investigation.”

Narito ang ilang komento ng netizens:

“Impernes, tama ang spelling ng exit.”

“Ano ba yan? Walang nag-edit before printing…

“Nalusutan po ang NBI.”

“Investagaystation.”

“Magpaliwanag sila sa nbi.”

“Tough Avenue na lang dapat.”

“Idk, I read it as investagaysheeeen .”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 1,300 reactions, 141 comments, at 770 shares.

Samantala, habang sinusulat ito’y wala pa namang pahayag ang pamunuan ng LRT hinggil sa larawan.