Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mamamayan ng Czech Republic na pumasyal sa magagandang tanawin ng Pilipinas.

Sa naganap na bilateral meeting sa Prague nitong Huwebes, sinabi ni Marcos kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, pinagaganda na rin ng Pilipinas ang mga paliparan nito upang hindi mahirapan ang mga dayuhan sa pagtungo sa mga tourist destinations. 

“Hopefully, we will see more of your citizens coming to the Philippines. And I can see that this is an area that will continue to increase for us. it’s very happy to welcome friends, come, visit the Philippines," anang Pangulo.

Binanggit din ng punong ehekutibo na buhay na buhay ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic kasunod ng pagbjsita ni Fiala sa bansa noong Abril 2023.

Tiniyak naman ni Fiala kay Marcos na handa silang sumuporta sa Pilipinas sa iba't ibang sektor nito katulad ng agrikultura, energy technology, transportation, civil aviation at aeronautics at space technology.

“And I saw in Manila many possibilities for our future cooperation. We discussed cooperation, agriculture, defense, aviation, and energy,” dagdag pa ni Fiala.