QUEZON - Isa ang nasawi at apat ang nasugatan makaraang araruhin ng isang truck ang tatlong bahay sa Unisan nitong Biyernes ng umaqa.

Dead on arrival sa ospital ang driver ng truck na nakilala lamang sa alyas "Mamerto" na taga-Tanza, Cavite, dahil na rin sa matinding pinsala sa katawan.

Isinugod sa Provincial Hospital Network-Unisan ang mga nasugatan na sina Rolly Valler, 33; Ruzzel Galliano, 60, Susan Engco, 62, house owner, at Michael Cabrejas, 45, na kasama ni Mamerto sa nasabing truck.

Naiulat na ang insidente ay naganap sa Ibabang Kalilayan nitong Marso 15 ng umaga.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Nawalan umano ng kontrol si Mamerto sa minamanehong truck sa pakurbang bahagi ng kalsada kaya't dumiretso ito sa tatlong bahay.