Nasa 23 na ang tumama ng jackpot sa lotto ngayong 2024, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga ito ay nanalo mula Enero 2 hanggang Marso 9, ayon sa PCSO.

Sinabi ng PCSO, isa sa mga bettor ng e-Lotto ang tumama ng ₱698,806,269.20 jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Enero 17, at ₱640,654,817.60 naman ang napanalunan ng isang mananaya makaraang nahulaan ang winning combination ng Super Lotto 6/49 nitong Enero 16. 

Nabili nito ang ticket sa Rizal Avenue lotto outlet sa Maynila.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

Nitong Pebrero 29, isa ang nanalo nang mahulaan ang 6-digit na winning combination ng Ultra Lotto 6/58 na may premyong ₱175,160,965.20.

Nasa ₱121,816,502.40 ang tinamaan ng dalawang Mega Lotto 6/45 bettors na taga-Davao City at Pasig City nitong Enero 8, at nitong Enero 2 ay tatlo naman ang naging instant millionaire sa draw ng Lotto 6/42. Ang mga ito ay taga-San Miguel, Bulacan; Tondo, Maynila, at Pila, Laguna.

Umaabot sa ₱108,072,834.00 jackpot ang tinamaan ng tatlong mananaya.