Para sa tinaguriang "Sawsawera Queen" na si RR Enriquez, wala siyang nakikitang mali sa ipinatayong resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.
Mainit na usapin ngayon ang Captain's Peak Garden and Resort sa vicinity ng Chocolate Hills na idineklarang "UNESCO World Heritage Site" at proklamadong protected area, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1037 noong Hulyo 1, 1997, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ani RR sa kaniyang Facebook post, "As a Sawsawera Queen tayo dahil hindi ako busy😂😛
Opinion ko ito ha… Gumawa din kayo ng sarili nyong opinion.."
"I don’t see anything wrong with this especially if it will help our tourism…. I remember going go Switzerland year 2016 and meron sa taas ng bundok na famous parang hotel with jacuzzi resort sila dun (I forgot the name) Pero nakapunta na dun yung friend ko si @justynmalloreyes Even sa Mt. Titlis they have a restaurant… Yun napuntahan namin ni frog.. Talagang pinupuntahan ng mga tao… Tourist attraction talaga sya…"
"To be honest ok sana yung idea na ito.. Kaso bakit po hindi man lang ginandahan? Hindi man lang instagramable? Paano po tayo makaka attract kung wala pong nakaka attract CHERET😜"
"I love the idea po but failed po sa execution 😫 Please maglaan kayo ng magandang budget for that❤️ Yun lang po… Ok pasok sa mga gusto ako ihate I’m sooooo ready CHAR😜."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens:
"Yung ganda lang meron ka pero hangin ang laman ng ulo hahaha"
"Kaya nga jusko napaka Colorful pa sakit sa eyes"
"Sa true po! Sya rin lang sinira na nila yung view pinagandahan na sana. Kaso parang public resort ang labas"
"Declared po kasi as protected area. Yung tourist attraction na alam ng lahat Chocolate Hills sa Carmen mismo yun pero hills in its neighboring towns Batuan and in the picture which is located at Sagbayan is kasama po na dineclare as protected area."
"Rr Enriquez gumawa ka nalng VIVAMAX Lalo na puro pa sexy lang nmn Ang alam mo at puro chismiss lng ..Ang bobo mo..huwag mo e kumpara Ang chocolate hills sa sinabi mo Kasi Ang chocolate hills ay Isang National geological monument and protected landscape..at Saka Kilala Ang chocolate hills sa buong mundo."
"Sana sinawsawan mo kung paano nagkapermit ang Isang protective area... wag po magcompare ng Lugar na allowable Naman pagtayuan sa Hindi..."
MAKI-BALITA: Buhol-Buhol sa Bohol: Bakit napayagang magtayo ng resort sa Chocolate Hills?
MAKI-BALITA: Resort sa Chocolate Hills, sinita ng netizens; DENR, kinalampag