Umalma si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “namamasyal” lang siya sa kaniyang mga foreign travel.

Sa panayam ng mga Manila-based reporters sa Berlin na inulat ng Manila Bulletin nitong Miyerkules, Marso 14, pinakita ni Marcos ang kaniyang schedule.

"Ito 'yung schedule ko oh. San 'yung pasyal? This is my schedule for today. Where’s the pasyal, no? Wala," giit ni Marcos.

"We don’t make pasyal. Even in the places that I know, where I have spent a lot of time with, hindi ho, hindi ko na napupuntahan 'yung mga dati kong pinupuntahan because we’re here to do this," saad pa niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matapos ang kaniyang tatlong araw na pagbisita sa Germany, dumiretso si Marcos sa kaniyang 2-day state visit sa Czech Republic nitong Huwebes, Marso 14.

Dahil dito, nasa 25 na ang bilang ng pagbisita ni Marcos sa 17 mga bansa mula nang umupo siya sa puwesto ng pagkapangulo noong 2022.

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na nagpatutsadahan sina Marcos at Duterte. 

Noong lamang Enero 28, iginiit ni Duterte na “bangag” at “drug addict” umano si Marcos.

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

Iginiit naman ni Marcos na sa tingin niya’y nasabi iyon ni Duterte dahil sa pagtira umano nito ng “fentanyl.”

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng ‘fentanyl,’ banat ni PBBM