Niratipikahan na ng Senado nitong Miyerkules ang panukalang dagdag na teachers' allowance o mas kilala sa tawag na "chalk allowance" ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng Senate Bill 1964 at House Bill 9682 o ang ‘kabalikat sa pagtuturo bill', layunin nitong itaas sa ₱10,000 ang teaching allowance ng mga public school teachers mula sa kasalukuyang ₱5,000.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

Sa pahayag ng Senado, matagal nang hinihintay ng mga guro ang panukalang batas.

Matatandaang nagrereklamo ang mga public school teacher na hindi sapat ang kanilang sahod kumpara sa tungkulin at obligasyon ng mga ito.

Dumalo sa ratipikasyon ng bicameral committee report ang mga kinatawan ng Department of Education (DepEd), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Teachers Dignity Coalition (TDC), at Philippine Public School Teachers Association (PPSTA).