Naglabas na ng pahayag ang pamunuan ng Captain Peak's Resort sa Bohol matapos kuyugin ng kritisismo dahil sa pagtatayo ng commercial establishment sa Chocolate Hills, na idineklarang UNESCO World Heritage Site, at kauna-unahang geological park sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Resort sa Chocolate Hills, sinita ng netizens; DENR, kinalampag

Kapag ang isang lugar ay deklaradong heritage site, nangangahulugang kailangang panatilihin ang kaanyuan at kalikasan nito at ipinagbabawal ang pagtatayo ng anumang gusali o establishment dito.

Ngunit paliwanag ng manager na si Juliet Sablas, dumaan sa tamang proseso ang pagkuha nila ng permit at clearance para makapagpatayo ng resort sa isang pribadong pagmamay-ari.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Aware daw sila na protected area ang lugar subalit nilakad daw nila ang permit para dito. Aminado naman silang hindi sila nakakuha ng Environmental Compliance Certificate.

Depensa rin ng manager, kahit magpunta raw sa resort nila ang mga netizen, wala raw silang sinisira sa Chocolate Hills.

Naglabas din sila ng opisyal na pahayag kaugnay nito.

"We understand and respect the concerns raised by environmental advocates and members of the community regarding the preservation of this natural wonder," anila.

“We assure the public that our operations are conducted with utmost care and consideration for the environment."

“We are open to constructive dialogue and welcome input from all parties involved."

“As we continue with our development endeavors, we remain dedicated to promoting sustainable tourism practices and preserving the natural beauty of Bohol for future generations to enjoy,” saad pa sa pahayag nila.

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng isyu at naglabas ng order na temporaryong ipasara ang operasyon ng resort habang iniimbestigahan ito.

MAKI-BALITA: DENR, natakot? Closure order vs viral resort sa Chocolate Hills, temporary lang