Sa kahabaan ng Zapote River sa Las Piñas City ay may isang daanan na nakatutulong sa mga lokal na mas mabilis na matunton ang iba’t ibang bahagi ng lungsod at mga kalapit na lugar at makaiiwas din sa matinding trapiko.

Ang Riverdrive Project ay naging isang maginhawang alternatibong ruta sa maraming residente ng lungsod at sa mga kalapit na lugar. Ito ay itinayo ng ilang taon sa tatlong yugto.

Ang unang yugto ay ang 18-kilometrong Zapote Riverdrive, na nagsisimula sa dulo ng C-5 Extension Road sa Barangay Pulanglupa I hanggang Alido Bridge at nagpapatuloy sa underpass sa Zapote Bridge sa Barangay Zapote hanggang sa Barangay Pamplona I, Pamplona II, Talon II, Moonwalk, Talon I, Almanza II, pagkatapos ay sa Daang Hari Road na konektado sa MCX Expressway.

Ang ikalawang yugto ay ang anim na kilometrong Las Piñas Riverdrive na nagsisimula sa C-5 Extension Road sa Barangay Pulanglupa I pagkatapos ay sa Barangay Pulanglupa II, Pamplona III hanggang CAA Road.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang huling yugto, ang limang kilometrong Molino Riverdrive ay mula Daanghari hanggang Barangay Molino III at Molino VI sa Bacoor, Cavite. Ito ang nag-uugnay sa Zapote Riverdrive sa Manila Bay area.

Ang Riverdrive Project, sa pangunguna ni Senador Cynthia Villar, ay may isa pang layunin bukod sa pagbibigay ng alternatibong kalsada. Ito rin ay isang pagsisikap na maiwasan ang pagbaha sa lungsod at mapanatili ang kalinisan ng ilog at mga sanga nito. Bago ang pagsisimula ng riverdrive construction, isang malawakang paglilinis ng Las Piñas-Zapote River ang kailangang gawin.

Sa loob ng maraming dekada, walang humpay si Senador Cynthia sa kanyang pagsisikap na tiyakin ang paglilinis, pagpapanatili at rehabilitasyon ng Las Piñas-Zapote River. Sa katunayan, ang kaniyang Sagip-Ilog na proyekto sa pagpapanumbalik ng ilog ay nanalo ng United Nations’ Best Practices Award noong 2011.

Mga pangarap sa football

Ang pamilya Villar, sa pamamagitan ng kanilang Villar Foundation, ay nakilala rin sa kanilang taimtim na suporta para sa pagpapaunlad ng palakasan. Ang mga programa tulad ng Villards Cup para sa bilyar, at ang Villar Cup para sa basketball at volleyball, ay ilan lamang sa kanilang mga programa na naglalayon sa grassroots sports development.

Sa pamamagitan ng mga naturang programa, mahihikayat ang mga kabataan na makisali sa sports bilang isang produktibong paggamit ng kanilang oras, o kahit na ituring bilang isang karera sa hinaharap.

Bilang bahagi ng patuloy na programa nito para sa pagpapaunlad ng palakasan, binuksan kamakailan ng Villar Foundation ang Villar Island Football Field.

Matatagpuan sa Villar Children’s Farm sa Las Piñas, ang football field ay nagsilbing venue para sa unang open play ng Perpetual Altas Highschool Alumni (PAHA) Football Club, gayundin ang kanilang mga libreng training session para sa mga batang interesado sa sport.

Sa paglikha ng football field at pagbubukas nito sa publiko, ang Villar Foundation ay nagbigay ng isang maginhawang lugar para sa mga aspirants at mahilig sa football upang magsanay at mahasa ang kanilang mga kasanayan. Ito rin ay isa pang paraan ng paghikayat sa mga residente ng Las Piñas, at maging ng ibang mga lungsod, na pumasok sa sports o makisali sa pisikal na aktibidad.

Maaaring sa football field na ito mabuo ang mga susunod na football star ng Pilipinas.