Nangako si Senador Cynthia Villar na maghahain siya ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang kontrobersyal na resort sa Chocolate Hills.

“The Committee on Environment and Natural Resources will be filing a resolution to find out how this came about,” pahayag ni Villar nitong Huwebes, Marso 14.

Si Villar ang tagapangulo ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change.

Samantala, nauna nang naghain ng resolusyon si Senador Nancy Binay, tagapangulo ng Senate Committee on Tourism, na naglalayong imbestigahan ang resort na “Captain’s Peak Resort” sa loob ng Chocolate Hills Natural Monument (CHNM).

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Matatandaang kinalampag sa social media ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkules, Marso 13, dahil sa resort na nakakasira raw sa magandang view ng isa sa mga tourist spot sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Resort sa Chocolate Hills, sinita ng netizens; DENR, kinalampag

Kaugnay nito, naglabas ng closure order ang DENR nito ring Miyerkules, at sinabing naglabas sila ng Temporary Closure Oder noong nakaraang taon.

“In the case of the Captain’s Peak Resort, the DENR issued a Temporary Closure Order last September 6, 2023, and a Notice of Violation to the project proponent last January 22, 2024 for operating without an ECC,” giit ng DENR.

MAKI-BALITA: DENR, natakot? Closure order vs viral resort sa Chocolate Hills, temporary lang

Bukod sa ahensya, iginiit ng Department of Tourism (DOT) sa isang hiwalay na pahayag na hindi accredited bilang tourism establishment ang Captain’s Peak at wala ring nakabinbing aplikasyon para sa accreditation nito.

MAKI-BALITA: Resort sa Chocolate Hills, ‘di accredited — DOT

Naglabas na rin ng pahayag ang pamunuan ng Captain Peak’s Resort, at ipaliwanag na dumaan umano sa tamang proseso ang pagkuha nila ng permit at clearance para makapagpatayo ng resort sa Chocolate Hills.

MAKI-BALITA: Pamunuan ng resort sa Chocolate Hills, nagsalita na