Trending sa X ang "Siargao" nitong araw ng Miyerkules, Marso 13, dahil bukod sa summer na at panahon na para mamasyal, mag-travel, o mag-beach, ay usap-usapan din ang isang artikulo tungkol sa mas nais daw ng Pinoy travelers na mag-international travel kaysa sa mga tourist spots sa Pilipinas, partikular sa Palawan o Boracay, dahil mas mura at affordable ang presyo kumpara sa mga ito.

Ibinahagi ng mga netizen ang isang pubmat na nakapangalan sa "Bilyonaryo" kung saan mababasa ang "Is Philippine tourism losing its edge? Pinoy travelers find international travel more affordable compared to Palawan and Boracay."

Saad naman sa artikulo published noong Marso 10, baka kailangan na raw magsagawa ng price comparison analysis ang Department of Tourism (DOT) para naman maging competitive sa iba pang mga bansa na may sikat ding tourist destinations.

Kaniya-kaniya namang bigay ng reaksiyon at komento ang mga netizen tungkol dito. Ayon sa mga nakapag-travel na, mas mura pa nga raw magpunta sa iba pang karatig-bansa ng Pilipinas, lalo na sa Southeast Asia, kung ihahambing sa mga sikat na tourist attraction sa Pilipinas.

Tourism

ALAMIN: Mga puwedeng pasyalan sa Metro Manila sa Pasko at Bagong Taon

"Mas mura pa ngang pumunta ng HongKong kaysa Siargao, eh. Sadly, our own local tourism competitiveness can not keep up with our neighbors."

"Hi! I found Thailand cheaper to go to than Siargao. And Siargao is just a fastcraft away for me. A room at Movenpick in Bangkok is 4k a night. Siargao Villas or Isla Cabana charges 10k a night. Siargao Bleu at 7k, Yama at 5k. And let’s not talk about airfare and food."

"Thing is, up to now the PH doesn’t even have a full-blown tourism campaign."

"Very true. Overprice and bad quality of leisure. From airfare, land transport and hotel accomodation."

"Tbh mas mahal pa magpunta ng Palawan o Boracay kumpara sa Vietnam."

"To a foreign tourist, Philippines is more expensive than Thailand, Vietnam or Bali. Plus, it is safer in those 3 other places. You can walk their streets at night without fear of getting robbed."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang DOT kaugnay sa isyung ito.