Kinaaliwan ng mga netizen ang isang meme na kumakalat sa social media kung saan makikitang tila inupdate na ang disenyo sa likuran ng ₱200 bill.

Sa likod ng bill ay makikita ang disenyo ng Chocolate Hills at tarsier na pamoso sa nabanggit na tourist attraction ng Pilipinas.

Nilagyan ng nag-edit ng larawan ng resort ang Chocolate Hills matapos mag-viral ang ipinatayong pribadong resort, na ayon sa mga netizen ay masakit sa mata at panira ng magandang tanawin.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Kinukuwestyon ng mga netizen kung paano raw nakalusot at pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Bohol at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapatayo nito.

Naglabas naman ng kani-kanilang opisyal na pahayag ang DENR at ang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Bohol, sa tanggapan ni Bohol Governor Erico Aris Aumentado kaugnay ng isyu.