Walang patumpik-tumpik na sinabi ni Atty. Glenn Chong na minanipula raw ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang election system noong 2022 na naging dahilan kung bakit ito nanalo.

“I don’t recognize this man [PBBM] as legitimately elected by the people,” ani Chong sa isinagawang Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Martes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sumunod nito, nanawagan siyang bumaba na sa pwesto ang pangulo kung may hiya raw ito.

“Marcos, kung may hiya ka sa sarili mo bumaba ka [sa puwesto] dahil minanipula mo ang election system noong 2022,” dagdag pa niya.

“Ulitin ko, Marcos Jr., wala kang moral authority to lead this nation dahil minanipula ng asawa mo at ikaw ang Smartmatic election system at nandoon ako no’ng inamin ng asawa mo na magme-meeting kayo ng may-ari ng Smartmatic,” pagbabahagi pa ni Chong.

Gayunman, habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang kampo ni PBBM hinggil sa mga isiniwalat ni Chong.

Matatandaang nito lamang Enero pinagdududahan na ni Chong ang pagkapanalo ni Marcos, Jr. noong eleksyon 2022.

“But I believe Inday Sara won by her own right […] Pero si Bongbong Marcos, I doubt it na umabot siya ng 31 million close to 32 million,” pahayag ni Chong.

Maki-Balita: Glenn Chong, duda raw sa pagkapanalo ni PBBM sa nagdaang eleksyon