Habang inihahalintulad sa isang papel, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang gustong kumalkal ng Konstitusyon ay isang Marcos ulit.

Sa isinagawang Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Martes, nagpahayag ang dating pangulo tungkol sa mga gustong amyendahan ang Konstitusyon.

“Ito ‘yung Konstitusyon natin, ang una talagang gumalaw nito, iniba-iba niya, si Marcos [Sr.] maniwala ka’t hindi,” ani Duterte.

“After a few decades. Ang pangalawang taong gustong kumalkal ng Konstitusyon natin, put*ngin*, Marcos [Jr.]ulit,” dagdag pa niya.

“‘Yan lang ang target nila. Ito excuse lang ito para mabuksan lang ang Konstitusyon. Hindi mo [puwedeng] sabihin na ‘ito lang galawin namin.’ Kapag nagalaw ang Konstitusyon, put*ngin*, walang makakapara, everything goes.

“Ang gusto nilang pakialaman ito—‘yung termino ng tatay niya na binulastog niya. At itong Konstitusyon ngayon [nina] Martin Romualdez at Liza [Araneta-Marcos], ang gusto nila pahabain ang Konstitusyon,” paglalahad pa ni Duterte.

Kaugnay na Balita: Isinagawang prayer rally ng KOJC, freedom of speech daw sey ni VP Sara