Nababahala ang Department of Environment and National Resources (DENR) sa pagbulusok ng bilang ng populasyon ng Crocodylus mindorensis o kilala rin bilang Philippine crocodile.
Sa ginanap na 29th Crocodile Conservation Week sa Puerto Princesa City kamakailan, iniulat ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga kung gaano kalaking porsiyento ang natapyas sa kabuuang bilang ng naturang species ng hayop.
“The Philippine crocodile, Mindorensis, holds the distinction of being the rarest crocodile species globally, facing an alarming 82 percent decline in known localities,” saad ni Loyzaga.
“As a critically endangered species, the conservation of Philippine crocodile is important to local communities in terms of both cultural and economic value, and assess the potential to support livelihoods related to the ecological tourism that is actually present today,” aniya.
Ilan umano sa mga itinuturong dahilan ng pagkaubos ng Philippine crocodile ay ang pagkawala ng kanilang mga natural habitat at ang panghuhuli sa mga ito.
Tinatayang nasa 500 na lang daw ang kabuuang populasyon ng Philippine crocodile. Samantala, ang Crocodylus porosus o mas kilala sa tawag na saltwater crocodile na matatagpuan din sa Pilipinas ay tinatayang nasa 6,000 na lamang.
Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 1,000 ang Philippine crocodile at saltwater crocodile na nasa pangangalaga ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC).