Nararamdaman pa rin ang matinding init ng panahon sa Roxas City, Capiz sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon sa bansa, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.

Inihayag ng ahensya na inaasahang umabot sa 42°C ang init factor sa naturang lungsod hanggang Huwebes.

Pumalo naman sa 41°C ang alinsangan sa katawan sa Virac, Catanduanes at Pili, Camarines Sur at 40°C naman sa iloilo City, Iloilo.

National

QCPD, naghain ng patong-patong na reklamo laban kay VP Sara

Bahagya namang bumaba sa 41°C ang heat index sa Cotabato City mula sa 42°C nitong Martes habang ang Metro Manila ay nakapagtala pa ng 39°C alinsangan sa katawan.

Babala ng PAGASA, ang heat index na naglalaro mula 42°C hanggang 51°C ay mapanganib dahil posibleng magdulot ng heat cramps, kapaguran at heat stroke.

'