Nagbigay ng komento ang social media personality na si Xian Gaza kaugnay sa ginawang pagtatanggol ni Senador Robinhood “Robin” Padilla kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.

Sa Facebook post ni Xian nitong Lunes, Marso 11, iginiit niyang hindi raw si Quiboloy ang biktima sa kinakaharap nitong reklamo ukol sa human trafficking, rape, sexual abuse, at child abuse.

“Kung siya po ay isang hero dahil nilabanan niya ang NPA, siya naman po ay isang child rapist dahil inabuso niya ang maraming menor de edad na miyembro ng kanyang Simbahan. Hindi porke mabuti siya sayo eh mabuti na siya sa lahat,” saad ni Xian.

“Kung ikaw po ay nagbubulag-bulagan dahil gusto mo pong protektahan ang iyong kaibigan, ini-invalidate mo po yung mapapait na karanasan ng mga biktima niya,” aniya.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Dagdag pa ni Xian: “Paano ka po namin titignan as a leader kung inuuna mo po yung kapakanan ng kaibigan mo kaysa kapakanan ng iyong mamamayan? Ang tingin po namin sayo ngayon ay isang senator na protektor ng kriminal.”

Screenshot from Xian Gaza (Facebook)

Matatandaang ipinagtanggol ni Padilla si Quiboloy nang ipag-utos ni Senator Risa Hontiveros na arestuhin na ang pastor matapos nitong hindi dumalo sa pagdinig sa senado.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaaaresto si Quiboloy

MAKI-BALITA: Robin harapang kinontra si Hontiveros, pinagtanggol si Quiboloy

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Padilla hinggil dito. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.