May tip ang social media personality na si Xian Gaza kung ano ang dapat gawin kapag nag-away kayo ng jowa mo.

Sa isang Facebook post ntiong Martes, Marso 12, ibinahagi ni Gaza ang isang tip.

Xian Gaza, seryoso talaga sa pagpapakasal sa kaniyang Thai girlfriend

"Kapag nag-away kayo ng partner mo, pinggerin mo," aniya. "'Pag climax na and almost done eh doon ka magsabi ng 'sorry.' After that ay hindi na kayo magkaaway."

Dagdag pa niya sa comment section: "Alam niyo ba na kapag wala kayong iyot [sex] ng partner mo eh mas malaki yung chance na mag-away kayo? Scientifically proven."

How true naman kaya ito?

Matatandaang engaged na si Gaza sa kaniyang Thai girlfriend. Katunayan, seryoso na nga raw talaga siya sa pagpapakasal.

“90% ng hinahanap ko sa isang asawa ay taglay niya. If paglalaruan ko pa ‘to at hindi seseryosohin, baka it will take me another 10 years para makahanap ng isang katulad niya,” ani Gaza.

Kaya naman ipinangutang pa niya ang pinambili niya ng engagement ring kay Boss Toyo.

https://balita.net.ph/2024/02/19/xian-gaza-nangutang-kay-boss-toyo-pambili-ng-engagement-ring/