Nanawagan si Vice President Sara Duterte ng katarungan para kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader Apollo Quiboloy na nakararanas umano ng “pandarahas.”

Sa isang video message na inilabas ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa X nitong Lunes, Marso 11, iginiit ni Duterte na dapat pairalin ang “batas” at “katarungan” sa mga isyung kinahaharap ni Quiboloy.

Binatikos din ng bise presidente ang isinasagawang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros kaugnay ng mga alegasyon ng pang-aabusong ibinabato sa pastor.

“Sa mga ginagawang pagdinig ay tila pinatawan na ng guilty verdict si Pastor Quiboloy kahit na nakabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo na nagkukubli ng kanilang katauhan at hindi mapatunayan ang kredibilidad,” giit ni Duterte.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

“Marami sa atin ang naniniwala na ang dinaranas ngayon ni Pastor Quiboloy ay isang pandarahas at hindi patas,” dagdag pa niya.

Matatandaang sa nagdaang pagdinig ng Senado kaugnay ng mga alegasyong kinahaharap ni Quiboloy at ng KOJC noong Martes, Marso 5, inihayag ni Hontiveros, ang ruling na i-contempt si Quiboloy. 

Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa naturang pagdinig.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaaaresto si Quiboloy

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa mga alegasyon tulad ng “child abuse” at “qualified trafficking,” kung saan sinabi kamakailan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sasampahan siya ng mga prosecutor sa Pasig City at Davao City kaugnay ng naturang mga kaso.

MAKI-BALITA: Quiboloy, kakasuhan ng ‘child abuse,’ ‘qualified trafficking’ – Remulla