Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang pagsususpinde sa mga operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI) at tinawag itong isyu ng “media freedom.”

Sa isang video message na inilabas ng SMNI sa X nitong Lunes, nanawagan si Duterte ng “pagpapairal ng batas” at “katarungan” sa mga isyung kinahaharap ng SMNI, maging ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader Apollo Quiboloy.

Unang binatikos ng bise presidente ang isinasagawang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros kaugnay ng mga alegasyon ng pang-aabusong ibinabato kay Quiboloy at sa KOJC.

“Sa mga ginagawang pagdinig ay tila pinatawan na ng guilty verdict si Pastor Quiboloy kahit na nakabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo na nagkukubli ng kanilang katauhan at hindi mapatunayan ang kredibilidad,” giit ni Duterte.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

MAKI-BALITA: VP Sara, nanawagan ng katarungan para kay Quiboloy: ‘Bigyan siya ng patas na laban’

Ayon pa kay Duterte, isang isyu umano ng “media freedom” ang nangyaring “indefinite suspension” laban sa SMNI.

“Hindi biro ang mga pangyayari at paratang na ganito. Nararapat lamang na mabigyan ng patas na laban at sa tamang korte,” giit ng bise presidente.

Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon ay sinuspinde ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng SMNI sa loob ng 30 araw dahil umano sa mga paglabag ng network sa terms and conditions ng prangkisa nito.

MAKI-BALITA: Operasyon ng SMNI, suspendido ng 30 araw

Nito namang Enero 2024, pinatigil muli ng NTC ang operasyon ng SMNI habang tinatapos daw ang pagdinig sa kanilang kaso.

MAKI-BALITA: NTC, pinatitigil ang operasyon ng SMNI

Bukod dito, nag-isyu ng subpoena ang Kamara kamakailan laban kay Quiboloy kaugnay ng kinahaharap na isyu ng SMNI, na media arm ng KOJC.

Samantala, iginiit ng pastor na hindi na siya sangkot sa pagpapatakbo ng broadcasting company mula noong 2018 at nagsisilbi na lamang daw siyang “honorary chairman.”