Lumulutang daw ngayon ang balita tungkol sa posibleng pagkandidato ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairwoman Lala Sotto bilang senador sa darating na 2025 Elections.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Lunes, Marso 11, nilinaw ni showbiz columnist Cristy Fermin na wala pa raw inilabas na pahayag mula kay Lala o sa pamilya nito hinggil sa kaniyang kandidatura.

“Ang totoo, walang anomang salita na nagmumula o pahayag sa pamilya Sotto. Pero bakit labasan nang labasan ngayon ‘yong mga isyu na tatakbo raw na senador si Chairwoman Lala Sotto sa darating na midterm elections?” lahad ni Cristy.

“Kung tatakbo man, capable na capable. Pasok na pasok sa banga,” sabi naman ng co-host niyang si Romel Chika.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sa tuwing tatanungin din daw si Cristy tungkol sa bagay na ito, lagi niyang isinasagot na “why not?”

“Hininog na siya sa kaniyang nakaraang posisyon bilang konsehal ng [Quezon City]. Bakit hindi? Saka ‘yong pinapakita po niya na pagiging matalino at patas na tagapamuno ng MTRCB. May kulang pa bang mga katangian para pumasa nga siya na tumakbong senador?” saad pa ng showbiz columnist.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Lala matapos nitong suspendehin ang “It’s Showtime” dahil sa mga natanggap na reklamo kaugnay sa inasta ng magkarelasyong Ion Perez at Vice Ganda na parehong host ng naturang noontime show habang kumakain ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo 2023.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB