Nakalaya na ang award-winning director na si Jade Castro at ang mga kaibigan niyang engineer at business manager nitong Lunes ng gabi, Marso 11.

Sa Facebook post ni Atty. Chel Diokno sa parehong nabanggit na petsa, ibinahagi niya ang screenshot ng usapan nila ng kapatid ni Jade na si Jasper Castro.

Sa naturang screenshot ng text message, makikitang kinumpirma ni Jasper kay Dioknol na nakalaya na raw ang kaniyang kapatid.

May be an image of 1 person and text that says 'Jasper_Castro Last seen 4 min ago Today Magandang Gabi po Atty Chel. Si Jasper Castro po ito. Nakalabas na po sina Jade ng BJMP ngayon gabi. Na grant yung Motion to Quash. Maraming Salamat po sa lahat ng tulong nyo. At kung may maitutulong din po kami sa iyo, ngayon ko talaga na realize na napaka importante ng ginagawa nyo. Thank you po. 8:42PM Congratulations Jasper I'm so happy to get this news, grabe! Komusta na sila Jade? 8:47PM'

Photo Courtesy: Chel Diokno (Facebook)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Nakalabas na po sina Jade ng BJMP ngayong gabi. Na-grant ‘yong motion to quash. Maraming salamat po sa lahat ng tulong n’yo,” saad ni Jasper sa mensaheng ipinadala niya kay Diokno.

Matatandaang noong Pebrero ay naglabas ng pahayag ang Concerned Artist of the Philippines (CAP) para tuligsain ang pag-aresto umano nang walang warrant kay Jade at sa mgaa kasamahan nito.

Bukod sa CAP, nanawagan din ang Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) at PEN Philippines para palayain ang direktor at ang pa nitong kasama.

MAKI-BALITA: Grupo ng mga artist, nanawagang palayain ang direktor na inaresto sa Quezon

Dinakip sina Jade noong Enero 28 dahil sa bintang na panununog umano ng modernized jeep sa Catanuan, Quezon.