Dahil sa umano'y patuloy na pagtutol upang maibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa bansa, may patutsada si Senador Ronald “Bato” dela Rosa tungkol dito.

“‘Lumaban tayo sa West Philippine Sea!’ Hanggang rhetorics lang ‘yon, walang kaukulang aksyon. ‘Nagpapakitang tao lang tayo lumaban tayo! Hindi pupuwedeng walang hiyain tayo ng mga Chinese na ‘yan.’ Pero hanggang rhetorics lang, walang aksyon dahil ayaw mag-ROTC. Oh sige nga, ano tayo mga plastik?” ani Dela Rosa sa isang ambush interview.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Talagang panahon na rin daw upang isabatas ang pagbabalik ng ROTC gayong may tensyon sa West Philippine Sea dahil sa pag-atake umano ng China.

Nabanggit ng senador ang malakas na reserve ng bansang Singapore. Aniya, kapag malakas daw ang reserve kaya raw nitong mapangalagaan ang soberanya ng bansa.

Sa parehong panayam, nabanggit ang tungkol sa survey kung saan mayorya sa mga Pilipino ang handang lumaban para sa bansa.

Sa 2023 fourth quarter “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 77% daw ng mga Pinoy ang nagsabing handa silang lumaban para sa kanilang bansa kung sakaling magkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng Pilipinas at “dayuhang kalaban.”

https://balita.net.ph/2024/03/11/77-ng-mga-pinoy-handang-ipaglaban-pinas-kontra-sa-mga-dayuhan-octa/#google_vignette

Patutsada ni Dela Rosa, “E paano ka lumaban? Lumaban ka, keyboard? Keyboard warrior? Puro ka lang salsal sa keyboard, ‘lumaban tayo, lumaban.’ Ano labanan dito, hampasan ng keyboard? Magmartsa kayo, matuto kayong gumamit ng armas, matuto kayong gumapang, matuto kayong tumakbo, matuto kayo kumover [under cover]. ‘Yan dapat ang labanan dito. Hindi ‘yung salsal nang salsal sa keyboard.”