Nagpahayag ng buong suporta si Senador Ronald "Bato" dela Rosa kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy sa idinaos na prayer rally nitong Martes sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

"Alam ninyo, nandito kami ngayon ni Senador Bong Go at 'yung ating mga kasamahan na lahat ng nandito dahil gusto naming ipakita kay Pastor Quiboloy na ang pagiging kaibigan ay hindi lamang kaibigan sa magandang panahon. Kaibigan tayo kahit na masama ang panahon," ika ni Dela Rosa bilang suporta sa kaniyang kaibigang pastor.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa niya, "Nandito kami para ipakita 'yung suporta namin kay Pastor Apollo Quiboloy. Maraming salamat."

Nangyari ang pahayag na nito sa gitna ng mga alegasyong kinasasangkutan umano ni Quiboloy.

Matatandaang sa nagdaang pagdinig ng Senado kaugnay ng mga alegasyong kinahaharap ni Quiboloy at ng KOJC noong Martes, Marso 5, inihayag ni Hontiveros, ang ruling na i-contempt si Quiboloy.

Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa naturang pagdinig.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaaaresto si Quiboloy

Harapan namang ipinahayag ni Padilla ang kaniyang pagtutol sa naturang ruling ni Hontiveros, nangangahulugang walong pirma mula sa mga miyembro ng komite ang kinakailangan niyang makalap para mapawalang bisa ang pag-contempt sa pastor.

MAKI-BALITA: Robin harapang kinontra si Hontiveros, pinagtanggol si Quiboloy

Kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa mga alegasyon tulad ng “child abuse” at “qualified trafficking,” kung saan sinabi kamakailan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sasampahan siya ng mga prosecutor sa Pasig City at Davao City kaugnay ng naturang mga kaso.

MAKI-BALITA: Quiboloy, kakasuhan ng ‘child abuse,’ ‘qualified trafficking’ – Remulla

Samantala, naghain na ng contempt order ang House Committee on Legislative Franchises laban kay Quiboloy dahil sa paulit-ulit umano nitong hindi pagdalo sa pagdinig kaugnay ng isyung kinahaharap ng SMNI.

Sa pagdinig ng komite nitong Martes, Marso 12, inihayag ni Surigao del Sur 2nd District Representative Johnny Pimentel ang pagpapa-contempt kay Quiboloy dahil sa muli nitong hindi pagdalo sa hearing hinggil sa franchise violations ng SMNI.

MAKI-BALITA: House Committee, pina-contempt na si Quiboloy